Wuhan

Wuhan

武汉市
Mula taas, kaliwa-pakanan: Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan, Budistang Templo ng Gude, Lumang Aklatan ng Unibersidad ng Wuhan, Toreng Yellow Crane
Palayaw: 
九省通衢  [1][2]
(Pinapayak na Tsino "Ang Lansangambayan ng Tsina")
Ang Chicago ng Tsina[3][4][5]
江城  (Pinapayak na Tsino "Ang Lungsod na Ilog")
Bansag: 
武汉, 每天不一样  
(Pinapayak na Tsino "Wuhan, Kakaiba Araw-Araw!")
Map
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Wuhan sa Hubei
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Wuhan sa Hubei
Wuhan is located in China
Wuhan
Wuhan
Kinaroroonan sa Tsina
Wuhan is located in Asya
Wuhan
Wuhan
Wuhan (Asya)
Mga koordinado: 30°35′N 114°17′E / 30.583°N 114.283°E / 30.583; 114.283
Bansa PRC
LalawiganHubei
Tinirhan1500 BK
Unang pinag-isaEnero 1, 1927[6]
Mga paghahati[6][7]
 Antas-kondado
 Antas-township

13 distrito
156 subdistrito, 1 bayan, 3 mga township
Pamahalaan
 • Kalihim ng PartidoMa Guoqiang
 • AlkaldeZhou Xianwang (周先旺,agent)[8]
Lawak
 • Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod8,494.41 km2 (3,279.71 milya kuwadrado)
 • Urban
 (2018)[10]
1,528 km2 (590 milya kuwadrado)
Taas37 m (121 tal)
Populasyon
 (2015)
 • Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod10,607,700
 • Kapal1,200/km2 (3,200/milya kuwadrado)
 • Urban
 (2018)[10]
7,980,000
 • Metro19 milyon
DemonymWuhanese; taga-Wuhan
Mga wika
 • Mga wikaWikaing Wuhan, Pamantayang Tsino
Pangunahing mga pangkat etniko
 • Mga pangunahing pangkat etnikoHan
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
430000–430400
Kodigo ng lugar0027
Kodigo ng ISO 3166CN-HB-01
GDP[12]2018
 - KabuuanCNY 1.485 trilyon
USD 224.28 bilyon (8th)
 - Sa bawat taoCNY 138,759
USD 20,960 (nominal) - 40,594 (PPP) (Pan-11)
 - PaglagoIncrease 8% (2018)
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan鄂A
鄂O (kapulisan at mga awtoridad)
Puno ng lungsodMetasequoia[13]
Bulaklak ng lungsodPlum blossom[14]
Websayt武汉政府门户网站 (Wuhan Government Web Portal) (sa Tsino); English Wuhan (in English)

Ang Wuhan ([ù.xân] ( pakinggan); Tsinong pinapayak: 武汉; Tsinong tradisyonal: 武漢) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng lalawigan ng Hubei, Tsina.[15] Ito ang pinakamataong lungsod sa Gitnang Tsina[16] na may populasyon ng higit sa 10 milyon, ang pampitong pinakamataong lungsod ng bansa, at isa sa siyam na mga Pambansang Gitnang Lungsod ng Tsina.[17] Ito ay nasa silangang Kapatagan ng Jianghan, sa gitnang kahabaan ng tagpuan ng Ilog Yangtze sa Ilog Han. Bilang isang lungsod na nagmumula sa pagsasama ng tatlong mga lungsod, Wuchang, Hankou, at Hanyang, nakilala ang Wuhan bilang "Lansangang bayan ng Tsina" (九省通衢),[1] at hawak nito ang katayuang sub-probinsiyal.

Umaabot nang 3,500 taon ang kasaysayan ng Wuhan.[18] Ito ang kinalalagyan ng Himagsikan ng Wuchang, na humantong sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing at ang pagtatag ng Republika ng Tsina.[19] Panandaliang naging kabisera ng Tsina ang Wuhan noong 1927 sa ilalim ng kaliwang kapulungan pamahalaan ng Kuomintang (KMT) na pinamunuan ni Wang Jingwei.[20] Kalaunan ay naglingkod ang lungsod ay bilang kabisera ng Tsina sa kasagsagan ng digmaan noong 1937 sa loob ng 10 buwan, noong Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones.[21][22] Noong Himagsikang Pangkalinangan, naganap ang isang armadong labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na mga pangkat na naglalaban para sa kapangyarihan sa lungsod; ito ay naging kilala bilang Insidente sa Wuhan.

Kasalukuyang kilala ang Wuhan bilang sentro ng politika, ekonomiya, pananalapi, komersiyo, kalinangan, at edukasyon ng Gitnang Tsina.[16] Ito ay isang pangunahing pusod ng transportasyon, kalakip ng dose-dosenang mga daambakal, daan at mabilisang daanan na dumaraan sa lungsod at nag-uugnay sa ibang mga pangunahing lungsod.[23] Dahil sa napakahalagang gampanin nito sa panloob na transportasyon, minsang tinutukoy ang Wuhan bilang "ang Chicago ng Tsina" ng banyagang mga sanggunian.[3][4][5] Ang "Ginintuang Daanang-tubig" ng Ilog Yangtze at ng pinakamalaking sangay nito, ang Ilog Han, ay bumabagtas sa pook urbano at hinahati ang Wuhan sa tatlong mga distrito: Wuchang, Hankou, at Hanyang. Tumatawid sa Yangtze sa lungsod ang Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan. Di-kalayuan matatagpuan ang Saplad ng Tatlong Bangin, ang pinakamalaking estasyon ng kuryente sa mundo ayon sa nakakabit na kapasidad.

Habang naging isang nakagisnang lugar ng paggawa ang Wuhan sa loob ng maraming mga dekada, isa na rin ito sa naging mga lugar na naghihikayat ng makabagong pagbabago sa industriya. Ang Wuhan ay binubuo ng tatlong mga pambansang sona ng pagpapaunlad, apat na siyentipiko at teknolohikong mga liwasang pagpapaunlad, higit sa 350 mga suriang pananaliksik, 1,656 na mga negosyo sa makabagong teknolohiya, maraming mga enterprise incubator, at mga pamumuhunan mula sa 230 Fortune Global ng 500 mga kompanya.[24] Nakalikha ito ng GDP na US$ 224 bilyon noong 2018. Nakahimpil sa lungsod ang Dongfeng Motor Corporation, isang tagagawa ng mga kotse. Tahanan din ang Wuhan ng maraming mga kilalang surian sa mataas na edukasyon, kabilang na ang Unibersidad ng Wuhan na pumapangatlo sa buong bansa noong 2017,[25] at ang Huazhong University of Science and Technology.

Dumanas ang Wuhan noon sa mga banta ng pagbaha,[26] na nagpa-udyok sa pamahalaan na maglunsad ng mga mekanismong absorsiyon na di-nakapipinsala sa kalikasan upang maibsan ang pagbaha.[27] Noong 2017, itinalaga ng UNESCO ang Wuhan bilang isang Malikhaing Lungsod sa larangan ng pagdidisenyo.[28] Ibinukod ng Globalization and World Cities Research Network ang Wuhan bilang isang Beta world city.

Dinaos ang 2011 FIBA Asia Championship sa Himnasyon ng Wuhan, at isa ito sa mga naging tagpo ng 2019 FIBA Basketball World Cup.[29] Idinaos din sa lungsod ang Ikapitong Military World Games mula Oktubre 18 hanggang 27, 2019.[30][31]

Magmula noong kahulihan ng Enero 2020, nasa ilalim ng paglo-lockdown ang lungsod dahil sa kamakailang paglaganap ng SARS-CoV-2.[32] Ipinalalagay ng ilan na lumitaw ang epidemya sa Pamilihang Pakyawan ng Pagkaing-dagat ng Huanan sa Distrito ng Jianghan, na nakasara na mula noon.[33] Tinatayang nasa limang milyong katao ang nakaalis ng lungsod bago nagsimula ang lockdown, na nag-udyok ng poot at pagbatikos sa pamahalaan dahil sa huling pagkukuwarentenas sa lungsod.[34][35]

  1. 1.0 1.1 "Archived copy" 图文:"黄金十字架"写就第一笔. Sina. Marso 30, 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Pebrero 21, 2018. 武汉历史上就是"九省通衢",在中央促进中部崛起战略中被定位为"全国性综合交通运输枢纽"。 {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "九省通衢". The government of Wuhan. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 27 Nob 2012. Nakuha noong 5 Mayo 2019. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Foreign News: On To Chicago". Time. Hunyo 13, 1938. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 5, 2012. Nakuha noong Nobyembre 20, 2011. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Jacob, Mark (Mayo 13, 2012). "Chicago is all over the place". Chicago Tribune. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 11, 2013. Nakuha noong Mayo 22, 2012. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 水野幸吉 (Mizuno Kokichi) (2014). 中国中部事情:汉口 [Central China: Hankou]. Wuhan Press. p. 3. ISBN 9787543084612.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Archived copy" 武汉市历史沿革 (sa wikang Tsino). www.xzqh.org (行政区划网站). Agosto 6, 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 10, 2018. Nakuha noong Pebrero 10, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Archived copy" 行政建置 (sa wikang Tsino). Wuhan Municipal People's Government (武汉市人民政府门户网站). Enero 8, 2018. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 17, 2018. Nakuha noong Oktubre 17, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Archived copy" 武汉市信息公开. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 6, 2018. Nakuha noong Abril 5, 2018. 2017年2月19日,在武汉市第十四届人民代表大会第一次会议上当选为武汉市政府市长。 {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Wuhan Statistical Yearbook 2010" (PDF). Wuhan Statistics Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Nobyembre 5, 2011. Nakuha noong Hulyo 31, 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)p. 15
  10. 10.0 10.1 Cox, W (2018). Demographia World Urban Areas. 14th Annual Edition (PDF). St. Louis: Demographia. p. 22. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Mayo 3, 2018. Nakuha noong Hunyo 15, 2018. {{cite book}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang oecd2015); $2
  12. "Archived copy" 武汉市2010年国民经济和社会发展统计公报. Wuhan Statistics Bureau. Mayo 10, 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 23, 2012. Nakuha noong Hulyo 31, 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "THE CHRONOLOGY OF THE "LIVING FOSSIL" METASEQUOIA GLYPTOSTROBOIDES (TAXODIACEAE): A REVIEW (1943–2003)" (PDF). Harvard College. 2003. p. 15. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Marso 6, 2016. Nakuha noong Enero 25, 2018. 1984 In the spring, Metasequoia was chosen as the "City Tree" of Wuhan, the capital of Hubei. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang torchrelay); $2
  15. "Illuminating China's Provinces, Municipalities and Autonomous Regions". PRC Central Government Official Website. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hunyo 19, 2014. Nakuha noong Pebrero 19, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "Focus on Wuhan, China". The Canadian Trade Commissioner Service. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Disyembre 12, 2013. Nakuha noong Pebrero 10, 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Zhao Manfeng (赵满丰). "Archived copy" 国家中心城市 [National central cities]. usa.chinadaily.com.cn. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 20, 2018. Nakuha noong Mayo 20, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Wuhan | China". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "The Wuchang Uprising on Double Ten (10/10/1911) | Britannica Blog". blogs.britannica.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-04-08. Nakuha noong 2019-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Stephen R. MacKinnon (2002). Remaking the Chinese City: Modernity and National Identity, 1900-1950. University of Hawaii Press. p. 161. ISBN 978-0824825188.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "AN AMERICAN IN CHINA: 1936-39 A Memoir". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 12, 2013. Nakuha noong Pebrero 10, 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Stephen R. MacKinnon (2008-05-21). Wuhan, 1938: War, Refugees, and the Making of Modern China. University of California Press. p. 12. ISBN 978-0520254459.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "武汉获批全国首个交通枢纽研究试点城市". Ministry of Commerce of the People's Republic of China. 2009-06-25. {{cite web}}: Cite has empty unknown parameter: |dead-url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Government of Canada, Foreign Affairs Trade and Development Canada (2009-09-08). "Focus on Wuhan, China". www.tradecommissioner.gc.ca. Nakuha noong 2019-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "校友会2017中国大学排行榜700强揭晓,北京大学十连冠--艾瑞深校友会网2019中国大学排行榜,中国大学研究生院排行榜,中国一流大学,中国大学创业富豪榜,中国独立学院排行榜,中国民办大学排行榜". www.cuaa.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-06-06. Nakuha noong 2019-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Jing, Li (2019-01-23). "Inside China's leading 'sponge city': Wuhan's war with water". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 2019-06-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Hartley, Asit K. Biswas, Kris. "China's 'sponge cities' aim to re-use 70% of rainwater". CNN. Nakuha noong 2019-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  28. "Wuhan | Creative Cities Network". en.unesco.org. Nakuha noong 2019-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. The Official website of the 2019 FIBA Basketball World Cup Naka-arkibo May 27, 2017, sa Wayback Machine., FIBA.com, Retrieved 9 March 2016.
  30. "7th Military World Games to be held in Wuhan in 2019 - Xinhua | English.news.cn". www.xinhuanet.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 20, 2018. Nakuha noong Mayo 20, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. http://www.wuhan2019mwg.com Naka-arkibo 2021-07-10 sa Wayback Machine. official site
  32. Griffiths, James. "China's unprecedented reaction to the Wuhan virus probably couldn't be pulled off in any other country". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 28, 2020. Nakuha noong 2020-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Here's what Wuhan, China looks like under quarantine for coronavirus". Global News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Collman, Ashley. "5 million people left Wuhan before China quarantined the city to contain the coronavirus outbreak". Business Insider. Nakuha noong 2020-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Angry Chinese Ask Why Their Government Waited So Long To Act On Coronavirus". NPR.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search